si aurora at ang pag-ibig

pag-ibig: magulo, nakakapaso, nakakatakot, nakakalunod. parang sa pag-aaral ng surfing – hangga’t hindi mo napaglalabanan ang takot sa malalaking alon, hindi ka matututo.

kaya dapat hindi minamadali. dapat unti-unti ang paglusong, ang paglalakad patungo sa mas malalim na parte ng karagatan, at ang pakikipagkaibigan sa mga naglalakihang alon na sa simula akala mo’y kaaway. 

nakakatakot malunod sa pag-ibig. baka kasi makalimot ka at umikot nalang ang mundo mo dito. parang buhay sa tabing-dagat – baka makasanayan mo nalang ito at makalimutan mo ang mga bagay na sa matagal na panahon ay nagpasaya sayo sa siyudad. nakakatakot dahil baka tuluyan kang baguhin ng pag-ibig. 

pero dapat bang sumubok pa rin kahit na nakakatakot? sa surfing, pwedeng pag-aralan ang mga teknik para di ka mahulog. kaya talagang ang kalaban mo lang ay ang sarili mong takot. ganun din sa pag-ibig. maraming teknik paano maglaro sa battlefield ng pag-ibig kaya sarili mong takot ang kalaban mo talaga. dapat nga bang sumubok pa rin sa kabila ng takot na ito? siguro. siguro dahil masarap sa pakiramdam kapag nagtagumpay ka. siguro dahil magbabago ang buhay mo. siguro dahil…masaya. 

pero iba ang reyalidad ng buhay. di ka bubuhayin ng pag-ibig lang. di ka yayaman at aasenso nang dahil sa pag-ibig lang. at di ka patatawarin ng sarili mo kapag nagkamali ka. hayaan mo man ang sasabihin ng ibang tao sayo, alam mong sa dulo’y totoo ang mga sinasabi nila. at baka maging dahilan yun para di mo lalo mapatawad sarili mo. 

ngayon itatanong mo sa sarili mo: “iibig ka pa ba? baka magkamali ka.” dahil ang pag-ibig ay dapat mong ituring na parang bayan ng baler, aurora – maganda ang mga tag-init pero malulupit ang mga tag-ulan. hindi ka maaaring magdesisyon lamang base sa tag-init. pilitin mong makita ang tag-ulan bago mo sabihing gusto mo ito. kung hindi, baka isumpa mo hindi lang ang tag-ulan kundi pati ang tag-araw. kaya tanungin mo ang sarili mo, kaya mo bang mahalin pati ang tag-ulan? 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s